“Lupa, ayuda at hustisya!” sigaw ng magsasaka at katutubo

Daan-daang magsasaka mula sa Southern Tagalog at Central Luzon ang nagmartsa patungo sa Mendiola sa Maynila noong Oktubre 21. Iginiit nila ang tunay na reporma sa lupa, ₱15,000 na subsidyo at hustisya para sa mga biktima ng paglabag sa karapatang-tao. Nanawagan din sila na ibasura ang Rice Tariffication Law.

Nagkaroon din ng katulad na programa sa Bacolod City sa Negros, Iloilo City, Naga City sa Bicol at sa harap ng Department of Agrarian Reform in Central Visayas sa Cebu City.

Noong Oktubre 29, nagprotesta ang mga katutubo at progresibong grupo sa harap ng upisina ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa ika-24 taong anibersaryo ng pagpapasa sa Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997 (IPRA). Panawagan nila na ibasura ang naturang batas at buwagin ang NCIP. Anila, nagsisilbi lamang ang mga ito bilang instrumento ng reaksyunaryong estado para sa malawakang pang-aagaw sa lupaing ninuno ng mga katutubo at pagkakait ng kanilang karapatan sa sariling pagpapasya.

Leave a comment