Mga sinisanteng manggagawa sa Lazada, ipinababalik ng Korte Suprema

Ipinag-utos ng Korte Suprema na ibalik ng kumpanyang Lazada ang limang “rider” o taga-deliber na sinisante nito noong 2017. Ayon sa Korte Suprema, ang tagadeliber ay regular na manggagawa sa kumpanya, at hindi simpleng “independyenteng kontraktor” tulad ng unang desisyon ng National Labor Relations Commission at Court of Appeals. Ipinag-utos din ng korte na bayaran ng kumpanya ang backwages ng lima na sina Chrisden Cabrera … Continue reading Mga sinisanteng manggagawa sa Lazada, ipinababalik ng Korte Suprema

2 milyon, nagprotesta sa France laban pagtaas ng edad pagretiro

Dalawang milyong mamamayan ang nagwelga at nagprotesta sa iba’t ibang bahagi ng France noong Enero 22 para labanan ang panukalang pagtataas ng edad sa pagreretiro mula 62 tungong 64 taong gulang. Layunin ng panukala na patagalin ang pagpiga pareho sa lakas-paggawa ng mga manggagawa at buwis sa kanilang mga sahod. Pinakamalaki ang protesta sa Paris, kabisera ng bansa, kung saan halos isang milyon ang humugos … Continue reading 2 milyon, nagprotesta sa France laban pagtaas ng edad pagretiro

Reyd sa upisina ng progresibong unyon sa Korea, kinundena

Kinundena ng mga progresibong manggagawa at mamamayan sa Asia at sa buong mundo ang ginawang pagreyd ng gubyerno ng South Korea sa tanggapan ng Korean Confederation of Trade Unions (KCTU) noong Enero 18. Sa press conference na isinagawa ng komite sentral ng kumpederasyon, isinalaysay nito kung paanong pwersahang pinasok at 10 oras na hinalughog ng mag ahente ng National Intelligence Service (NIS) sa upisina nito. … Continue reading Reyd sa upisina ng progresibong unyon sa Korea, kinundena

Magbalik-aral sa teorya at kasaysayan para isulong ang praktika ng rebolusyon

Buong sigla ngayong isinusulong sa buong rebolusyonaryong kilusan ang isang malawak na kilusang pagbabalik-aral sa Marxismo-Leninismo-Maoismo at mga batayang prinsipyo ng Partido. Puno ng sigasig ang mga komite at kadre ng Partido, gayundin ang mga kumander at mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) at mga aktibista sa kilusang masa sa kanayunan at kalunsuran, sa isinasagawang pagbabalik-aral sa teorya at mga prinsipyo bilang sandata para sa … Continue reading Magbalik-aral sa teorya at kasaysayan para isulong ang praktika ng rebolusyon

Pampartidong pag-aaral, inilunsad sa eryang ekspansyon sa NCMR

Mapangahas at determinadong inilunsad ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa isa sa mga eryang ekspansyon sa North Central Mindanao Region (NCMR) ang pag-aaral sa Batayang Kurso ng Partido (BKP) noong huling kwarto ng 2022. Sa kabila ng iba’t ibang hamon, matagumpay na nakapagtapos sa pag-aaral ang 17 mga mandirigma ng BHB. Nagsimula ang pag-aaral noong Nobyembre 26, 2022 at nagtapos noong Disyembre … Continue reading Pampartidong pag-aaral, inilunsad sa eryang ekspansyon sa NCMR

Ka Elay, huwarang babaeng kadre at mandirigma

Pinarangalan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas si Helenita Parladis, 65, isa sa namumunong kadre ng Partido na napaslang noong nakaraang taon. Kilala siya ng masa at mga kasama sa Bicol at Samar bilang si Ka Ning, Ka Eliz, Ka Celine at Ka Elay. Kabilang siya sa daan-daang kababaihang kadre ng Partido na bumalikat ng mabibigat na tungkulin para isulong at paunlarin ang … Continue reading Ka Elay, huwarang babaeng kadre at mandirigma

Mga protesta

Ipagtanggol ang mga tagapagtanggol. Binati ng mga demokratikong organisasyon at tagasuporta ang 10 tagapagtanggol ng karapatang-tao, taong simbahan at lider-masa sa Quezon City noong Enero 9 matapos ibasura ng korte ang kasong perjury na isinampa laban sa kanila ni Gen. Hermogenes Esperon. Ipagtanggol ang karapatang mag-organisa. Nagpiket ang mga myembro ng Migrante at Kilusang Mayo Uno sa Department of Justice noong Enero 16 para igiit … Continue reading Mga protesta

Pang-aabuso sa karapatang-tao, iigting sa patuloy na girian ng mga heneral

Iigting ang mga pang-aabuso sa karapatang-tao habang nagpapatuloy ang girian ng mga heneral sa ilalim ng tambalang Marcos-Duterte. Nagsimula ang mga giriang ito noong kalagitnaan ng 2022 at sumambulat sa unang mga araw ng 2023. Ang mga “bangayan” na ito ay sumasalamin sa malalim na kontradiksyon sa hanay ng magkaka-alyadong dinastiya sa pulitika at pangkatin sa loob ng naghaharing rehimeng Marcos. Sa layong matigil ang … Continue reading Pang-aabuso sa karapatang-tao, iigting sa patuloy na girian ng mga heneral

Mula kwarantina tungong kanayunan

[Koresponsal] Ang sumusunod ay kwento ng isang myembro ng Kabataang Makabayan na nakiisa sa pagdiriwang ng Partido sa ika-54 anibersaryo nito sa isa sa mga larangang gerilya ng hukbong bayan. Pagtapos ng Pasko, agad akong naghanda ng mga gamit na kinakailangan para sa aming pagbisita. Pinangingibabawan ng pananabik ang aking kaba sa mga bagay na di ko alam. Dalawang taon na rin akong kasapi ng … Continue reading Mula kwarantina tungong kanayunan

2 aktibista sa Cebu, dinukot at pinakawalan

Napilitang pakawalan ng mga pwersa ng estado ang dalawang aktibistang Cebuano noong Enero 16 matapos lumakas ang panawagang ilitaw sila. Pwersahang isinakay sa isang van ng mga nagpakilalang pulis sina Dyan Gumanao at Armand Dayoha sa daungan ng Cebu noong tanghali ng Enero 10 sa gitna ng maraming nakasaksi. Dinala sila sa isang safehouse kung saan ipinailalim sila sa sikolohikal na tortyur. Inilitaw sila noong … Continue reading 2 aktibista sa Cebu, dinukot at pinakawalan