Mga grupong Palestino, ginipit ng Israel

Anim na organisasyong nagtatanggol sa karapatang-tao ng mga Palestino ang “itinalaga” o binansagan ng gubyerno ng Israel bilang mga “teroristang organisasyon” noong Oktubre 22.

Ang mga grupong ito ang Al-Haq, Addameer Prisoner Support and Human Rights Association, Defence for Children International Palestine, Bisan Center for Research and Development, Union of Palestinian Women’s Committees at Union of Agriculural Work Committee. Una nang itinalaga ng Israel na “terorista” ang grupong Samiduon Palestinian Prisoner Solidarity Network noong Pebrero.

Ayon sa  Samiduon, binansagang silang mga “terorista” dahil epektibo nilang nahahamon ang mga krimen ng Israel laban sa mga Palestino. Anito, tiyak na gagamitin ang “teroristang bansag” para arestuhin ang mga myembro nito, buwagin ang mga organisasyon at ipasara ang kanilang mga upisina at ideklara ang mga ito na “iligal” sa loob mismo ng mga okupadong teritoryo.

Leave a comment