Teror sa Abra-Apayao

Sunud-sunod ang naging paglabag ng mga sundalo ng 7th ID sa karapatang-tao mula noong Hulyo hanggang Agosto. Naitala ang mga kaso sa mga bayan ng Tineg, Lacub at Malibcong sa Abra; at mga bayan ng Kabugao at Conner sa Apayao. Kumalat din ang sakit sa mga komunidad dahil sa pagkakahawa sa mga sundalo.

Pag-aresto. Sa bintang na myembro siya ng Bagong Hukbong Bayan, inaresto ang magsasakang si Jerome Cudiyen ng Sityo Talipugo, Buneg, Lacub. Ninakaw ang kanyang selpon at imbak na pagkain, at sapilitan siyang pinaggiya sa operasyon. Matapos nito ay ilang araw siyang ikinulong at tinortyur sa kampo ng 24th IB, at tinurukan ng di-matukoy na gamot. Tatlo pang kababaryo ng biktima ang inaresto sa Barangay Poblacion sa Lacub.

Panggigipit. Anim na residente ng Sityo Talipugo ang dinakip at ininteroga sa loob ng ilang oras. Dalawa sa kanila ang sapilitang pinaggiya sa operasyon. Sa Sityo Baliwan, Katablangan, Conner, noong Hulyo 28, dinakip at ininteroga rin si Romeo Sabaway at kanyang dalawang kabataang anak.

Leave a comment