Kapos na manggagawa sa gubyernong pabaya

Ta­ga­de­li­ber si Emil sa isang pa­ga­wa­an ng mweb­les. Ba­go ang pan­dem­ya, su­ma­sa­hod si­ya ng ₱15,000 ka­da bu­wan. Pe­ro mu­la 2020, su­ma­sa­hod na la­mang si­ya ng ₱5,000 ka­da bu­wan ma­ta­pos ar­bit­rar­yong kal­ta­san ng kan­yang emplo­yer. Da­hil ka­pos na ka­pos, naob­li­ga si­yang pu­ma­sok sa ilang saydlayn na tra­ba­ho. Pe­ro ka­hit ano ang pag­ba­ba­nat na ga­win ni­ya, hang­gang ₱3,000 la­mang ang nai­da­dag­dag sa kan­yang ki­ni­ki­ta.

Ku­lang na ku­lang ito pa­ra ma­pu­nan ang ₱16,750 pi­na­ka­ba­ta­yang pa­nga­ngai­la­ngan ng kan­yang asa­wa at apat na anak, at bye­nan. Hin­di pa ka­sa­ma sa kwen­ta­da ang mga gas­tu­sin sa transpor­ta­syo­n, ba­hay, me­di­kal at iba pang pa­nga­ngai­la­ngan.

Sa buong taon ng 2021, wa­lang ti­gil ang la­ban ng mga mang­ga­ga­wa pa­ra sa di­sen­teng sa­hod at ka­ti­ya­kan sa tra­ba­ho sa git­na ng pan­dem­ya. Noong Ene­ro, nanawagan ang mga gru­po ng mang­ga­ga­wa ng dag­dag na ₱100 ka­da araw na sub­sid­yo pa­ra ma­kaa­ga­pay sa hi­rap ng pan­dem­ya at impla­syo­n. Noong Nob­yembre 7, mu­ling na­nga­lam­pag ang Ma­ka­ba­yan sa Kong­re­so na ipa­sa ang ba­tas pa­ra sa dag­dag na sa­hod sa ha­rap ng tu­luy-tu­loy na pag­si­rit ng mga pre­syo ng pro­duk­tong pet­rol­yo sa loob ng 10 ling­go.

Hang­gang nga­yon, wa­la pa ni isang sen­ti­mo ang iti­na­as sa sa­hod ng mga mang­ga­ga­wa sa ha­rap ng nag­ta­taa­sang pre­syo ng mga bi­li­hin at ser­bi­syo. Sa da­tos ng es­ta­do, pu­ma­lo ng 4.6% ang impla­syon sa Oktub­re, ma­la­yo sa tar­get ni­tong 2%-4% sa si­mu­la ng taon. Ang pagsirit ng mga presyo ay pina­ka­ramdam ng 30% ng mga pa­mil­ya na may pinaka­ma­ba­ba­bang ki­ta. Ito ay da­hil mas ma­la­ki ang gi­na­gas­tos ni­la pa­ra sa pag­ka­in at inu­min, na mas ma­bi­lis na su­mi­si­rit kum­pa­ra sa ibang pa­nga­ngai­la­ngan. Noong Set­yembre, pi­na­ka­ma­bi­lis ang pag­si­rit ng pre­syo ng kar­ne (15.2%), gu­lay (12.7%) at is­da (9.4%).

Ayon sa Ibon Foun­da­ti­on, si Du­ter­te ang pi­na­ka­ba­rat at pi­na­ka­ma­ba­bang mag­bi­gay ng dag­dag sa­hod sa na­ka­li­pas na 35 taon. Ayon sa pag-aaral ng Kilusang Mayo Uno, dalawa hanggang tatlong beses lamang na tumaas ang sahod sa kada rehiyon mu­la nang ma­luk­lok si Du­ter­te sa pwes­to noong 2016, na nagka­kahalaga lamang ng ₱50 sa abereyds. Noon pang Marso 2020 pina­ka­huling naglabas ng kautusan ang rehimen para itaas ang sahod (₱25 na dagdag sahod sa Cagayan Val­ley).

Sa Na­tio­nal Ca­pi­tal Re­gi­on (NCR), na­sa ₱537 la­mang ang mi­ni­mum na sa­hod. Pe­ro da­hil sa ma­ta­as na pre­syo ng mga bi­li­hin, ang tu­nay na ha­la­ga ng sa­hod ng mga mang­ga­ga­wa ay ₱434 la­mang. (Ang tunay na ha­la­ga ng ₱1 sa kasalu­kuyan ay ₱0.36 na la­mang kum­pa­ra sa ha­la­ga ni­to noong 2000.)

La­long hin­di sa­sa­pat ito kung su­su­ka­tin ang fa­mily living wa­ge (FLW o na­ka­bu­bu­hay na sa­hod pa­ra sa isang mag-a­nak na may li­mang myembro) sa NCR. Sa pi­na­ka­hu­ling kwen­ta­da noong Hul­yo, upang ma­bu­hay nang di­sen­te, kai­la­ngang ku­mi­ta ang isang pa­mil­yang may li­mang myembro ng ₱1,065 ba­wat araw (o ₱25,091 ka­da bu­wan).

Mas masahol ang kalagayan ng mga mang­ga­ga­wa sa ibang mga rehiyon kung saan mas mababa ang sahod. Pinakamababa ang minimum na sahod ng mga manggagawa sa industriya at serbisyo sa Ilocos Region (₱282-₱340), kasunod ang Bang­samoro (₱300-₱325). Sa dala­wang rehiyon din ang pinakama­babang minimum para sa mga mang­gagawa sa agrikultura (₱282-₱295 sa Ilocos, at ₱290-₱300 sa Bang­samoro).

Dag­dag ng Ibon, kung bi­big­yan la­mang ng su­por­ta ng gub­yer­no ang mga mang­ga­gawa, maiibsan ang kanilang paghihirap. Ma­li­ban sa pau­tang sa ma­li­li­it na ne­go­syo upang ipam­ba­yad sa ka­ni­lang mga mang­ga­ga­wa ay da­pat ding ip­we­ra ang mga ito sa pag­ba­ba­yad ng bu­wis, la­lu­pa’t wa­lang ki­ta ang ka­ra­mi­han sa mga ito sa pa­na­hon ng pan­dem­ya. Sa kon­ser­ba­ti­bong pag­ta­ya, ma­hi­git ka­la­ha­ti ng mga micro, small and medium en­terpri­ses (MSME o mga ne­go­syong ka­tam­ta­mang-laki, ma­li­it at mas ma­li­it) ang nag­si­pag­sa­ra ni­tong pan­dem­ya. Nag-eemple­yo ang mga ito sa ha­los 63% ng la­kas pag­ga­wa sa ban­sa.

Lub­hang ku­lang at bat­bat sa ka­pal­pa­kan ang su­por­ta mu­la sa gub­yer­nong Du­ter­te pa­ra sa mga MSME at mga mang­ga­ga­wa. Ni­tong Nob­yembre, nag-a­nun­syo ang De­partment of La­bor and Employ­ment (DOLE) na mag­pa­pau­tang ang gubyerno sa mga MSME pa­ra sa 13th month pay ng ka­ni­lang mga mang­ga­ga­wa. Pe­ro sa ma­hi­git 952,000 MSME sa buong ban­sa, 15,000 ne­go­syo la­mang ang sa­kop ng prog­ra­ma ng DOLE na may bad­yet la­mang na ₱500 mil­yon.

Ma­hi­git 100 na ang MSME na nag-ap­lay ng utang, pe­ro 10 pa la­mang ang naap­ru­ba­han. Ma­li­ban di­to ay ka­kal­ta­san din ng 4% service fee ang uu­ta­ngin ng mga MSME. Ma­sak­lap pa, ang inaa­sa­hang ga­gas­tu­sin ng mga pa­mil­ya ng mang­ga­ga­wa sa Pas­ko ay sa Mar­so 2022 pa ma­ku­ku­ha. Iti­nu­tu­lak pa ng DOLE na im­bes na pe­ra ay gro­se­ri na la­mang ang ipa­mi­gay.

Leave a comment